Petition Letter:
NO TO COAL PLANT
|
![]() Alex Hermoso of Preda foundation a non government organization based in Olongapo City who oppose the building of a coal power plant in Subic hands over their protest documents to RP Energy President Ramon Aboitiz and Meralco President Oscar Reyes after a MOA signing between 3 energy companies to start the construction of a coal fire plant in Subic Bay Freeport. Photo by Anthony Bayarong SPECIAL REPORTS
| OUR CALL: NO TO COAL PLANT IN SUBIC BAY!
Northern Zambales was already a victim of the 600MW Masinloc Coal-Fired Power Plant. Acid rain badly affected mango production – the province’ banner product. Concretely, fish and other marine lives in Oyon Bay near the coal plant were driven away by noise and warmer seawater destroying the livelihood of municipal fisherfolk. With another 600 MW coal plant now proposed in southern Zambales, the repeat of the Masinloc experience must be prevented at all cost. Indeed, constructing a coal-fired power plant in Subic poses uncontrolled pollution that will drive away tourists and investors, altogether, leaving the local pollution not only with an economic debacle to repair but possibly with untold environmental disaster to clean up. These environmetal and social costs are irreversible and will definitely plague the generations to come. People’s aspiration for sustainable and environment friendly alternative to generate energy including wind, geothermal, hydrokenetics, bio-energy, solar power, among others should be fully considered and prioritize. It is in this light, that we petitioners, vehemently oppose the construction of a coal-fired thermal power plant at Sitio Naglatore, Brgy. Cawag, Subic, Zambales, Philippines. Sign Petition Here: |
Tutulan at Labanan ang Coal Plant sa Subic Bay
Sa propaganda at media campaign ng RP Energy, “clean coal technology” daw ang kanilang itatayong planta – ang Circulating Fluidized Bed o CFB Plant.
Subalit batay sa USEPA Environmental Document: Circulating Fluidized Bed or CFB plants uses much lower temperature and less oxygen, resulting in carbon monoxide formation and incomplete breakdown of organic compounds leading to the release of Polycyclic Aromatic Hydrocarbons (PAHs), of which the most potent CANCER-causing agents are: Benzo Anthracene and Benzo Pyrene (Dec. 2000. J.L. Jacobson, et al., Journal of Pediatrics 116:38-44. 1990).

PETITION LETTER: Filipino version
KAMI, mga nakapirma sa ibaba na mga indibidwal, Organisasyong Multisektoral, Taong Simbahan, Grupong Negosyante, at naliliwanagang opisyal ng gobyerno, ay nakikiisa sa lumalawak na kahilingang itigil ang planong pagtatayo ng 600-megawatt coal-fired power sa Sitio Naglatore, Barangay Cawag sa Subic, Zambales. Ang seryosong panganib na idudulot ng proyekto sa kalikasan, kalusugan at kabuhayan ng mamamayan ay di hamak na mas masaklaw kumpara sa guni-guning benepisyo nito sa komunidad at mamamayan.
Ang kontra-mamamayang proyekto, na iginigiit ng konsorsiyum ng mga “power distributors” - Manila Electric Co., Aboitiz Power Corp. at Taiwan Cogeneration Corp., ay kabaliktaran sa mga aspirasyon ng mamamayan ng Zambales at Lungsod ng Olongapo sa paghahanap ng alternatibong pagkukunan ng enerhiyang maka-kalikasan. Hindi ito tumutugon sa kahilingan ng mamamayan para sa malinis na Greater Subic Bay Freeport Zone mula sa polusyon at mapaminsalang sangkap na malilikha ng coal-fired power plant.
Ang coal plant ay isang makalumang teknolohiya na mapaminsala mula simula hangang wakas sa proseso nito. Mula sa mapaminsalang kalakaran sa pagmimina tulad ng walang pakundangang paghalukay sa kabundukan hanggang sa mga buga at usok ng mercury at greenhouse gases na malagim na inihahasik sa lokal at pandaigdigang kalikasan – ang coal ay likas na mapaminsala sa ating komunidad at klima.
Ang konstruksyon ng coal-fired power plant sa Subic Bay ay nagbabadya ng iba’t ibang antas ng banta sa kalikasan, kalusugan, lokal na ekonomiya at sa kapakanan ng mga residente sa kabuuan. Ang planta ay banta rin sa mga pansakang hayop na maaaring makalunok ng mapaminsalang latak mula sa buga ng planta. Ang mga gulayan sa bisinidad ay tuwirang apektado, kalauna’y apektado din ang kabuhayan ng libu-libong mamamayan ng Zambales, na nakabatay sa pagsasaka, pangingisda at pag-aalaga ng hayop. Di maglalaon, ang lokal na suplay sa pagkain ay madediskaril.
Ang potensiyal na kontaminasyon ng Mercury sa dagat ng Subic ay isang seryosong panganib na dapat ay mahigpit na ikonsidera ng mga taga-gawa ng polisiya. Ang polusyon sa dagat ay isa ring malaking dagok sa turismo, isa sa mga pinakamahalagang industriya ng Subic.
ANG ATING PANAWAGAN: NO TO CALL PLANT IN SUBIC BAY!
Ang kanlurang Zambales ay biktima na ng 600MW Masinloc Coal-Fired Power Plant. Malubhang apektado ng asidong ulan (acid rain) ang produksiyon ng manga – ang nagungunang produkto ng probinsiya. Ang mga isda at iba pang yamang-dagat sa Oyon Bay na kalapit ng planta ay naitaboy na palayo dulot ng ingay at nalikhang mainit na tubig-dagat, kung saan ay sumira sa kabuhayan ng mga mangingisda. Sa panibagong 600MW na planta na ngayo’y iginigiit na itayo sa timog Zambales, ang pag-ulit ng karanasan sa Masinloc ay dapat masagkaan sa anumang paraan.
Tunay nga, na ang konstruksiyon ng coal-fired power plant sa Subic ay magdudulot ng lansakang polusyon na magpapalayas sa mga turista at mamumuhunan, kung saan maiiwan sa atin ang polusyon na di lamang bigong maretoke ang ekonomiya kundi ang posibilidad ng walang kapantay na pagkasira ng kalikasan para linisin. Ang ganitong pang-kalikasan at panlipunang pinsala ay di na muling makokumpuni at tiyak na magiging salot sa susunod na henerasyon.
Ang aspirasyon ng mamamayan para sa sustenable at maka-kalikasang alternatibo sa paglikha ng enerhiya kabilang ang wind, geothermal, hydrokenetics, bio-energy, solar power at iba pa ay dapat ikonsidera at ipanguna.
Batay dito, kami, mga nagpe-petisyon ay mahigpit na tumututol sa konstruksiyon ng coal-fired thermal power plant sa Sitio Naglatore, Brgy. Cawag, Subic, Zambales, Pilipinas.
Click to sign petition. www.ipetitions.com/notocoal

Beach & Reef Destruction 1 Slideshow: OZCS’s trip from Quezon City, National Capital Region, Philippines to Subic was created by TripAdvisor. See another Subic slideshow. Create your own stunning free slideshow from your travel photos.